makulay ngayon ang kalangitan
tila musika sa tenga ang mga maiingay na huni sa paligid at nandito ako tahimik ang pagpikit at nag-aabang na masulyapan ka sa panaginip lumalalim na rin ang gabi at gusto ko lang marinig ang iyong tinig at oo,makulay ngayon ang kalangitan tulad ng mga paru-parong naglalakbay patungo sa iyo sa halimuyak ng iyong ganda at oo,maingay ngayon ang paligid pero isang tinig mo lang sa aking panaginip kalma sa aking bawat pagpikit sana maingayan ka din magkita na lang muna tayo sa ating mga panaginip
Comments
Post a Comment